Suspek sa ‘pangit’ na batian na nauwi sa alitan, nahuli na

Still images from CCTV footage

Nahuli na ang suspek sa nangyaring pamamaril na ikinamatay ng 16-anyos na lalaki nitong Martes, sa Tondo, Manila.

Basahin: Batian ng ‘Pangit’, nauwi sa alitan; 16 anyos patay

Sa tulong ng mga CCTV, napag-alaman ang tirahan ng suspek na kinilalang si Mark Joseph Vasquez, 22, taga Barangay 66, Tondo.


Kinumpirma naman ng dalawang kaibigan ng biktima na kasama sa insidente na si Vasquez ang namaril.

Itinanggi ito ng suspek at sinabing nasa bahay lang daw sya nang oras na mangyari ang pamamaril.

Facebook Comments