Manila, Philippines – Sumuko na kaninang alas 2:00 ng madaling araw ang anak ng isang kilalang negosyante sa Cebu na suspek sa nangyaring “road rage” noong Linggo ng madaling araw .
Si David Lim Jr . pamangkin ng kontrobersyal na negosyante na si Peter Lim sinamahan ng kaniyang pamilya at abogado na si Atty. Orlando Salatandre sa pagsuko nito sa Police Regional Office-7 .
Tiniyak ni PRO-7 Chief , General Noli Taliño na walang special treatment na ibinigay kay Lim na siyang suspek sa pamamaril sa isang nurse na nakaaway nito sa karsada .
Sasampahan ng PNP ng kasong frustrated homicide ang sumuko na si Lim.
Facebook Comments