Pilipinas, magiging katawa tawa kapag natuloy ang impeachment sa pangulo at ikalawang pangulo

97
Manila, Philippines – Para kay Senate President Pro Tempore Ralph Recto maging katawa tawa ang Pilipinas sakaling parehong maharap sa impeachment case si Pangulong Rodrigo Duterte at Vice President Leni Robredo.
 
Ang panayag ni Recto ay sa harap ng bantang paghahain ni House Speaker Pantaleon Alvarez ng impeachment case laban kay VP Leni.
 
Habang noong nakaraang linggo naman ay nauna ng hinainan ng impeachment complaint ni Magdalo Partylist Group Reo Gary Alejano si President Duterte.
 
Sabi ni Recto, sa 25 taon niya sa gobyerno ay ngayon lang nangyari na sabay na mahaharap sa impeachment case ang pangulo at ikalawang pangulo ng bansa.
 
At dahil hindi pa naman umuusad ang nasabing impeachment cases, sinabi ni Recto na sa ngayon ay wala pa itong epekto sa ating ekonomiya at sa buhay ng mamamayang Pilipino.
 
Tags: RMN News Nationwide: “The Sound of the Nation.”, RMN DZXL Manila, Grace Mariano

Facebook Comments