Suspek sa road rage sa Cebu sumuko na sa PNP

43
Manila, Philippines – Sumuko na kaninang alas 2:00 ng madaling araw ang  anak ng isang kilalang negosyante sa Cebu na suspek sa nangyaring “road rage”  noong Linggo ng madaling araw .
 
Si David Lim Jr . pamangkin ng kontrobersyal na negosyante na si Peter Lim sinamahan ng kaniyang pamilya at abogado na si Atty. Orlando Salatandre sa pagsuko nito sa  Police Regional Office-7 .
 
Tiniyak ni PRO-7  Chief , General Noli Taliño na walang special treatment na ibinigay kay Lim na siyang suspek sa pamamaril sa isang nurse na nakaaway  nito sa karsada .
 
Sasampahan ng PNP ng kasong frustrated homicide ang  sumuko na si Lim.
 

Facebook Comments