Suspek sa sa pagtangay sa 1.6-bilyong piso, arestado!

Manila, Philippines – Arestado ang isang lalaking suspek sa pagtangay sa 1.6-bilyong piso mula sa libu-libong nabiktima niya ng investment scam.

Sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Judge Rafael Hipolito ng QC-Regional Trial Court Branch 215, naaresto sa Angeles City, pampanga kahapon ang suspek na si Darlito Dela Cruz.

Ayon kay Supt. Roque Merdeguia, hepe ng CIDG-Anti Transnational Crime Unit – lider ng hyper program international direct sales and trading corporation si Dela Cruz na nagsimulang mag-operate noong March 2014.


Gamit ang Facebook, nanghihikayat ang suspek na mag-invest sa kanilang cosmetic at health products kung saan pinangangakuan ang mga biktima na malaking kita.

Hindi umano natupad ang pangako hanggang sa magsara ang kompanya.

Una nang naaresto ng CIDG noong Hulyo ang isa pa sa mga suspek na si Anthony Purganan.

Facebook Comments