Suspeks sa pananambang sa 5 PDEA Agents kinilala na ng PNP

25

Sinampahan na ng kasong Multiple Murder at Double Frustrated Murder ang mga suspek sa pananambang patay sa mga ahente ng PDEA ARMM .
Sa report na ipinarating ni PNP ARMM Spokesperson SIns Jemar Delos Santos , kinilala nito ang mga mga suspeks na sina OSCAR CAPAL GANDAWALI, PALAWAN SALEM MACALABO, LALA LOLO AMBOLOTO, JAMAL LOLO AMBOLOTO, MIZANGCAD PANONDE GANDAWALI, AIMAN GURO GANDAWALI, JAMEL BORAR a.k.a MEMEKAN, WILLIAM GANDAWALI at ang dalawang iba pa na sinasabing mga myembro ng ng grupo ni COMAYUG MACAPAGAL, native ng Tagoloan, LDS na nasa drug watchlisted personality ng Marawi City na napatay rin sa buy bust operasyon noong Agusto.
Nauna na ring inilunsad ang search warrant operasyon sa Brgy. Inodaran, Tagoloan kahapon at primary target si William Comayog Gandawali at ang iba pang mga nabanggit na mga suspeks .
Pinangunahan ang operasyon ng DSPPO kasama ang 82nd IB, 103rd PNP-SAF,1403rd RMFC, 1st PMFC at Tagoloan MPS ngunit bigo ang mga itong maaresto ang mga target suspeks.
Nabokya mana ang mga otoridad nakumpiska naman sa lugar ang Colt Caliber 45 Pist0l inserted magazine , (1) 5.56 Elisco M16 Rifle inserted short magazine mga bala, One (1) Case Folder (MUA CASE),One (1) piece paper map (Hand Sketch) .
Nagpapatuloy naman ang pagsisikap ng mga otoridad para sa agarang ikadarakip ng mga suspeks.
PIC: DILG ARMM

Facebook Comments