SUSPENDED | Mahigit 200 na pulis, sinuspinde habang 10 ang sinibak ng QCPD

Manila, Philippines – Mahigit dalawang daang pulis na miyembro ng Quezon City Police District ang pinatawan ng disiplinary action o sinuspindi o ni QCPD district Director C/Supt. Joselito Esquivel habang mahigit sampu naman ang tinanggal sa pagkapulis dahil sa katamaran o pagliban ng walang paalam.

Ayon kay CSupt Esquivel, aabot sa mahigit 3000 kaso ng absent w/o leave ang kanyang inimbestigahan.

Dito niya natuklasan na mahigit 200 na pulis ang paulit ulit na lumiban sa trabaho nang walang kaukulang paalam.


Batay sa mga dokumento na dumaan sa lamesa ni Esquivel, ang mga pala absent na pulis ay may ranggong P01 hanggang P02.

Isa sa mga nakikitang dahilan ni Esquivel na posibleng dahilan ng malimit na pag-absent ng mga pulis ay ang maliit na take home pay dahil sa dami ng kanilang utang.

Dahil ditto, mahigpit na ipatutupad ni Esquivel ang polisiya na sa tuwing gagawin ang inspection ay kailangan bitbit ng mga pulis ang kanilang ATM.

Pinayuhan rin nito ang mga pulis na maging mahigpit sa paggastos sa kanilang suweldo laluna at tinaas na ito ng administrasyong Duterte.

Facebook Comments