Suspended Mayor Alice Guo, hinimok na magsalita na sa pagdinig ng Senado

Pinayuhan ni Senator Risa Hontiveros si suspended Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo na magsalita na matapos na maghain ang Office of the Solicitor General (OSG) ng petisyon para sa kanselasyon ng “certificate of live birth” ng alkalde.

Ayon kay Hontiveros, tuluyang nakorner na si Guo tungkol sa kanyang pang-aabuso sa late registration ng birth certificate kaya naman kung siya ang alkalde ay mabuti pang kumalas na ito at ilantad na ang mga nasa likod ng malawakang scam enterprise sa Tarlac.

Giit pa ng senadora na humarap na sa susunod na pagdinig si Guo at magpakatotoo na.


Napatunayan naman na aniya sa imbestigasyon ng Senado na simula pa lang ay iregular ang birth certificate ni Guo.

Kaya naman, sinabi pa ng mambabatas na karapat-dapat lang ang aksyon ng OSG na ipakansela ang birth certificate ng Mayor.

Facebook Comments