SUSPENDED : Mayor FERMIN MABULO, San Fernando, CamSur

Hinatulang masuspendi sa kanyang tungkulin bilang alkalde ng bayan ng San Fernando sa Camarines Sur Si Mayor Fermin Mabulo. Ang suspension ay magsisimula bukas at maglalawig ng tatlong buwan at isang araw.
Ayon sa pahayag ni Mayor Mabulo:
“Noon(g) 2013, habang ako ang Pinuno ng Sagip Kalikasan Task Force ng Lalawigan ng Camarines Sur, naanaatasan kami ni Governor na hulihin ang mga illegal loggers, illegal miners, illegal quarry operators at iba pang illegal na gawain na nakakasira sa ating kalikasan.
Marami kaming huli noon subalit isa sa mga nahuli namin na kilalang personalidad ang nag habla sa amin ng napakadaming kaso. Lahat ng mga naisampang kaso ay napawalang bisa ng hukuman maliban sa isa. Nahatulan ang inyong abang lingkod kasama ang sampu ng aking mga tauhan ng guilty of SIMPLE MISCONDUCT.
Malugod kong tatanggapin [ang] husga ng hukoman at aking rerespetuhin ang Rule of Law.
Dahil dito, magbabakasyon muna ako ng tatlong buwan simula bukas. Magkakaroon ako ng panahon para sa aking pamilya, sa aking mga negosyo, sa aking mga alagang hayop at sa mga pananim kong Cacao.
Marahil ito ay kaloob sa akin ng Poong Maykapal at tiwala ako na ito ay bahagi ng Kanyang mas higit pang magandang mithiin para sa lahat.”
Makikita sa larawan si Mayor Mabulo habang nilalagdaan ang tinanggap na suspension order na inihatid mismo ni DILG CamSur Provincial Director Melody Relucio ngayong hapon.
Manunungkulan bilang pansamantalang alkalde si Vice Mayor Aris Ragay hanggang December 2, 2017.
phototakenfromfbofferminmabulo

Facebook Comments