SUSPENDED | Ordinansa na magtataas sana ng buwis sa real property tax sa QC, sinuspinde muna ng sanguniang panglungsod

Manila, Philippines – Sinuspindi muna ng Sanguniaang panglungsod ng Quezon City government ang isang ordinansa na nagpapataw ng karagdagang buwis sa lupa at sa pagpapatayo ng mga gusali o ang Fair Market Value ordinance .

Ibinasura ng Supreme Court at TRO na unang pumipigil sa ordinansa.

Pero bago ito naipatupad ng siyudad, sinuspinde ito ng sanguniaang pang lungsod.


Ipinaliwanag ni Konsehal Franz Pumaren na hindi ito napapanahon na ipatupad sa gitna ng umiiral na TRAIN law at pagtaas na sa 6.4 percent ang inflation rate nung August 2018.

Upang mapagtibay ito, nagpasa ng ordinansa ang konseho ng QC na nag aatas na supendihan ang nasabing ordinansa hanggang buong taon ng 2019

Inaasahan sanang maaring makakulekta ng 300 milyon pesos ang lungsod kada taon.

Facebook Comments