Manila, Philippines – Sinuspinde ng Commission on Elections (COMELEC) ang proklamasyon ng nasa isang libong mga kandidato para sa sanggauniang kabataan elections, sakaling manalo ang mga ito.
Ito ay matapos na makumpirma ng COMELEC na lumagpas na sa age requirement ang mga kabataang kandidato na isang paglabag sa anti-dynasty provision ng SK elections.
Ayon kay COMELEC acting Chairman Al Parreño, kahit tapos na ang Barangay at SK elections, aabot pa sa 4,000 hanggang 5,000 mga katulad na kaso ang isinasailalim sa review.
Tiniyak naman ng COMELEC na dadaan sa tamang proseso para palitan ang mga mananalong diskwalipikadong kandidato.
Bukod sa mga kandidato sa SK, mayroon din mga sinuspendin ang COMELEC na mga kandidato para sa Barangay Captain at kagawad.