Suspended Risk Management Office Acting Chief Hilario, humarap sa pagdinig kaugnay sa 6.4B na nakalusot na droga sa BOC; Hilario, isiniwalat ang kapalpakan ng Customs

Manila, Philippines – Humarap na si suspended Acting Chief ng Risk Management Office Atty. Larry Hilario sa pagdinig ng House Committee on Ways and Means kaugnay sa imbestigasyon sa 6.4 Billion na iligal na droga na pinalusot sa Bureau of Customs.

Kinumpirma ni Hilario na nalusutan ng iligal na droga ang Customs dahil sa kapabayaan ng ahensya.

Ayon kay Hilario, agad niyang inalerto ang Command Canter at ang Import Assessment Services ng mapansin niyang may mga inputs na hindi nagtutugma sa impormasyon sa shipment na pinadaan sa green lane.


Paglilinaw ni Hilario, walang kakayahan ang RMO o risk management office na baguhin ang color tagging sa mga shipment kundi ang customs broker lamang.

Nagtataka si Hilario dahil inalerto niya agad ang CommCen pero nakwestyon pa siya.

Sinabi naman ni Customs Commissioner Nicanor Faeldon na ngayon lamang niya narinig ang paliwanag ni Hilario.

Giit ni Majority Leader Rodolfo Fariñas, lalong napagdududahan ng publiko na may kumikilos sa loob at may nakikinabang sa Customs sa paglusot ng iligal na droga.

Pangamba ni Fariñas, posibleng ang 6.4 B na nakalusot na droga ay maliit lamang at may mas malalaki pang kargamentong may droga ang nakakalusot.

Pinanindigan naman ni Faeldon na nagpabaya sa tungkulin si Hilario.

Facebook Comments