Manila, Philippines – Sinuspendi ng Department of Education (DepEd) ang trabaho at pasok sa mga pampublikong paaralan mula kindergarten hanggang grade 12 sa January 2, 2019.
Ito ay batay sa DepEd Memorandum no. 193 na nilagdaan ni Education Secretary Leonor Briones.
Ipinauubaya naman ng DepEd sa pamunuan ng mga pribadong paaralan kung magsususpendi rin ito ng pasok.
Matatandaang una nang sinuspendi ng Malacañang ng pasok sa State Colleges and Universities at iba pang ahensya ng gobyerno sa January 2, 2019.
Maliban na lang sa mga sektor na naghahatid ng pangunahing serbisyo gaya ng pangkalusugan at rumerespunde sa mga sakuna.
Suspendido rin ang pasok sa lahat ng hukuman sa bansa sa December 26 at January 2, 2019.
Layon nito na mabigyan ng pagkakataon ang mga opisyal at personnel na makapiling ng mas mahabang panahon ang kanilang pamilya ngayong holiday season.