Suspendidong BuCor Chief Gen. Bantag, hindi haharap sa unang pagdinig kung walang matatanggap na subpoena

Hindi haharap sa unang pagdinig si suspendidong Bureau of Corrections (BuCor) Chief Gerald Bantag kung wala itong matatanggap na subpoena.

Ayon sa abogado ni Bantag na si Atty. Rocky Tomas Balisong, dadalo lamang sila sa unang pagdinig sa Nobyembre 23 kung may matatanggap sila na kopya ng subpoena.

Gayunpaman, sinabi ni Balisong na bahala na ang kanyang kliyente kung dadalo ito o hindi, dahil hindi pa kailangan ang kanyang personal na presensya maliban na lang kung magsusumite ng counter affidavit na kailangang manumpa sa harap ng piskal.


Samantala, sinabi ni Philippine National Police (PNP) Spokesperson Jean Fajardo na wala pa silang natatanggap na utos mula sa Department of Justice (DOJ) upang maihatid ang subpoena kay Bantag sa Baguio.

Sa Nobyembre 23 na ang unang pagdinig hinggil sa pagpatay sa mamamahayag na si Percival Mabasa o mas kilala bilang Percy Lapid, kung saan si Bantag ang itinuturong mastermind.

Facebook Comments