5 patay sa pagsabog ng pagawaan ng paputok sa Laguna

Umakyat na sa 5 ang patay sa nangyaring pagsabog sa pagawaan ng paputok sa Sitio Mahada, Brgy. Canlubang, Calamba City, Laguna.

Sa report na nakarating sa Kampo Krame, kasama sa mga nasawi ay isang senior citizen.

Sa inisyal na imbestigasyon, pasado alas-10:00 kaninang umaga nang mangyari ang pagsabog ng mga paputok sa isang bahay na ginagamit bilang iligal na pagawaan ng paputok na sinundan naman ng sunog.


Dahil dito, nasa limang kabahayan ang natupok ng apoy kung saan mapalad namang nakaligtas ang tatlong indibidwal matapos na agad silang makalabas ng tahanan.

Samantala, sa ngayon nagpapatuloy pa rin ang imbestigaston ng mga awtoridad hinggil sa pinagmulan ng sunog.

Matatandaang kamakailan, isang pagawaan din ng paputok ang nasunog sa Sta. Maria Bulacan na ikinasugat ng walong indibidwal.

Facebook Comments