Suspendidong Chairman ng ERC na si Salazar, tuluyan nang sinibak ng Malacañang

Manila, Philippines – Tuluyan nang sinibak ng Malacañan ang suspendidong chairman at CEO ng Energy Regulatory Commission (ERC) na si Jose Vicente Salazar.

Ito ay dahil guilty si Salazar sa simple at grave misconduct.

Sa desisyon, napatunayan ang simple misconduct ni Salazar sa pag-apruba niya sa extension ng kontrata ng pitong kooperatiba sa supplier ng kuryente nang walang pag-sang-ayon ng ibang commissioners.


Guilty din siya sa grave misconduct dahil sa pag-apruba ng proyektong tinawag na maanomalya ng nagpakamatay na erc director na si Francisco June Villa Jr.

Dahil dito, hindi na maaaring humawak ng anumang posisyon sa gobyerno si Salazar at wala rin siyang makukuhang retirement benefits.

Tiniyak naman ni ERC Spokesperson Atty. Rexie Baldo-Digal na hindi makakaapekto sa kanilang trabaho ang pagkakatanggal kay Salazar.

Facebook Comments