Suspendidong Mayor ng Nagtipunan, May Bwelta sa Umano’y Pagpapatalsik sa kanya sa Pwesto

Cauayan City, Isabela- Bumwelta si Mayor Nieverose Meneses ng Nagtipunan, Quirino kaugnay sa inihaing suspension order laban sa kanya ng provincial board kaugnay sa umano’y labis na paggamit ng kapangyarihan ng suspendihin noon sa trabaho ang kasalukuyang Tourism Officer ng LGU at ang pagdidiin sa kasong graft and corruption.

Sa kanyang pahayag sa social media, pulitika umano ang nasa likod ng paninirang ito at ang pagnanais na maalis siya sa pwesto bilang alkalde.

Nagpasaring din ito sa umano’y posibleng kalaban niya sa pulitika at iginiit na masyadong halata ang planong ito na mapatalsik siya sa posisyon.


Binigyang diin din ni Meneses na hindi niya hahayaang makuha ang kanyang bayan sa maruming laro umano ng pulitika.

Nitong huwebes, isinilbi sa kanyang opisina ang suspension order partikular ang limang (5) buwan at 15-araw para sa kasong Administratibo habang dagdag na limang (5) buwan para naman sa kasong Graft and Corruption Act matapos mapatunayang guilty ng provincial board ng Sangguniang Panlalawigan.

Sa huli, iginiit ni Meneses na ipagtatanggol nito ang Karapatan ng bawat Nagtipuneros.

Facebook Comments