Suspendidong mga Opisyales ng Barangay, Puwedeng Bumalik!

Mga suspendidong mga opisyal ng barangay at Sanguniang Kabataan ay maari nang bumalik sa serbisyo kung makakapagsumite na sila ng kanilang mga Statements of Contributions and Expenditures o SOCEs. 

Ayon kay Baguio City Election Supervisor Atty. John Paul Martin ay ito raw ay espesyal na considerasyon sa mga opisyal na nasuspinde ng anim na buwan kaya naman binibigyan sila ng pangalawang pagkakataon para makapag comply sa mga kinakailangang requirements mula sa Comelec.

Sa buong Cordillera Administrative Region ay aabot sa 819 na bakanteng posisyon ang naitala ng DILG. 


Facebook Comments