Manila, Philippines – Hindi sang-ayon si Sen. Chiz Escudero sa pagsuspinde ng Malakanyang sa pasok sa mga paaralan at trabaho sa mga tanggapan ng gobyerno sa buong bansa.
Dahil ito sa dalawang araw na transport strike na ikinasa ng mga jeepney drivers at operators bilang protesta sa planong pagphaseout sa mga lumang pampasaherong jeep.
Katwiran ni Escudero, dahil sa hakbang ng malakanyang ay nagmumukhang hawak sa leeg ang gobierno ng mga nagpo-protestang transport groups.
Giit pa ni Escudero, dapat ay may ginawa na agad na aksyon ang mga kinauukulang ahensya ng gobierno sa hinaing at reklamo ng mga jeepney driver at operator para naiwasang humantong pa ito dalawang araw na nationwide transport strike.
Paliwanag ni Escudero, dapat ay masusing napag-usapan ang mga hakbang ng pamahalaan para matulungan ang mga jeepney driver at operator sa transition period para sa PUV modernization program.
Sabi naman kay Senate Majority Leader Tito Sotto better safe than sorry!
Paliwanag ni Senator Sotto, mabuti ng kanselado ang pasok ng mga estudyante at mga kawani ng gobyerno para matiyak ang kaligtasan ng mga ito.