SUSPENSION OF POLICE OPERATIONS | Unilateral ceasefire, hindi rin irerekumenda ng PNP sa Pangulo

Manila, Philippines – Hindi rin magpapatupad ng unilateral ceasefire ang Philippine National Police (PNP) ngayong Christmas season.

Ayon kay PNP Spokesperson Police Chief Supt. Dionardo Carlos, katulad ng Armed forces of the Philippines (AFP) hindi rin nila irerekomenda sa Pangulong Rodrigo Duterte ang Suspension of Police Operations (SOPO) ngayong Christmas season

Paliwang ni Carlos, hindi raw kasi iginagalang ng New People’s Army (NPA) ang usapang pangkapayapaan dahil patuloy ang kanilang pag-atake.


Kaya tama lamang daw ang desisyong ng Pangulo na pormal ng putulin ang peace talks sa pagitan ng Communist Party of the Philippines, New People’s Army, National Democratic Front (CPP-NPA-NDF).

Maging ang pagdedeklarang terorista na ang CPP- NPA ay tama lamang ayon kay Carlos.

Dahil dito nanatili ang kanilang stand hindi sila magrerekomenda ng SOPO sa Pangulo.

Facebook Comments