Suspensiyon ng klase sa Maynila, pinalawig hanggang bukas dahil sa bagyo

Wala pa ring pasok bukas sa mga paaralan sa Maynila dahil sa masamang panahon na dulot ng Bagyong Kristine.

Ayon kay Manila Mayor Honey Lacuna, suspendido pa rin ang klase sa lahat ng antas ng pampubliko at pribadong paaralan sa lungsod bukas, araw ng Huwebes.

Magsasagawa na lamang ng make-up classes bilang kapalit ng mga araw na suspendido ang pasok.


Hiniyakat naman ng lokal na pamahalaan ang mga residente na manatili na lamang sa kanilang mga tahanan at maghanda sa epekto ng bagyo.

Batay sa pinakahuling weather bulletin ng PAGASA-DOST, nasa ilalim ng signal no. 2 ang Metro Manila.

Facebook Comments