Naresolba ang mga administrative at operational problems ang Commission on Elections (COMELEC) dahil sa suspension ng filing ng Certificate of Candidacy (COC) para sa Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE) sa Oktubre.
Ito ang inihayag ni COMELEC Commissioner George Garcia sa Laging Handa briefing.
Aniya, naisip ng COMELEC na mas maiging ayusin muna ng COMELEC ang mga disqualification case at nuisance candidate para hindi na mapasama sa balota na nagbibigay lang ng kalituhan sa mga botante.
Pangalawa, dahil sa suspension ay maiiwasan ang mainit na sitwasyon sa mga barangay dahil maagang malalaman kung sino-sino ang magkakalaban.
Maipagpapatuloy rin umano ang mga social service hanggang August 28 nang hindi na kailangang humiling exemption sa COMELEC.
Batay kasi napagdesisyon nang COMELEC, mula July 3 hanggang July 7 ay ginawang Aug. 28 hanggang Sept. 2 ang filing ng COC para sa gaganaping Barangay at SK Elections sa Oktubre.