Walang katotohanan o Fake News ang inihayag ng Lokal na pamahalaan ng Mangaldan ukol sa mga kumakalat sa social media mahaba-haba ang suspensyon ng klase sa bayan.
Ayon sa post ng isang Facebook Page na “Go Pangasinan”, suspendido ang klase mula pre-school hanggang high school simula sa araw ng August 30 hanggang September 3, 2023, dahil sa masamang epekto umano ng nararanasang sama ng panahon.
Sa public post ng PIO Mangaldan, walang kahit anong inilabas na mga press release, statement o executive order ang LGU Mangaldan ukol sa nabanggit na suspensyon ng klase.
Sa post ng LGU, tanging ngayong araw lang ng Agosto 30 ang suspendido ang klase dahil sa masungit na panahon.
Dahil dito, inatawagan na ng pansin ng LGU ang nasabing media platform ukol sa walang katotohanang anunsyo at hinihikayat din ng LGU na magsagawa muna ng fact checking upang masiguro na tama o mali ang mga binabasang anunsyo online. |ifmnews
Facebook Comments