LOLO SA MANGALDAN PATAY, MATAPOS MABANGGA NG TRICYCLE

Dead on Arrival sa pagamutan ang isang sisentay dos anyos na lolo matapos itong mabangga ng isang Tricycle habang tumatawid sa bayan ng Mangaldan.
Ang biktima ay nakilalang si Roberto Reside habang ang driver ng tricycle na nakabangga dito ay nakilalang si Orlando Movida.
Lumalabas sa imbestigasyon at mismog kuha ng CCTV na naganap ang aksidente pasado alas sais ng Gabi sa Brgy. Anolid habang tumatawid ang biktima ng ito ay aksidenteng mabangga ng Tricycle na paparating.

Bunsod nito ay nagtamo ng matinding sugat sa ibat ibang bahagi ng katawan ang biktima na agad namang naisugod sa pagamutan subalit idineklarang Dead on Arrival habang naaresto naman ang driver ng tricycle at dinala sa himpilan ng PNP. |ifmnews
Facebook Comments