Suspensyon ng Kuwait sa visa ng mga Pilipino, dapat linawin agad ng DMW

Kailangang linawin agad ng Department of Migrant Workers o DMW sa Ministry of the Interior of Kuwait ang napaulat na suspensyon sa lahat ng uri ng visa para sa mga Pilipino dahil umano sa paglabag ng Pilipinas sa bilateral labor agreement.

Paliwanag ni House Committee on Overseas Workers Affairs Chairman at Kabayan Party-list Representative Ron Salo, mahalagang malaman ng gobyerno kung ano ang eksaktong paglabag para maisagawa ang nararapat na hakbang.

Sabi ni Salo, dapat kumilos agad ang pamahalaan para sa kapakanan ng ng mga Overseas Filipino Worker (OFW) at mga Pilipino magtatrabaho sa Kuwait.


Bunsod nito ay iminungkahi ni Salo sa DMW na maglaan ng opisina na tututok sa pakikipag-ugnayan sa mga opisyal ng ibang mga bansa kung saan mayroon tayong bilateral labor agreements.

Ayon kay Salo, ito ay bilang paghahanda o para maiwasan ang ganitong mga insidente.

Facebook Comments