MECO, tiniyak na normal ang sitwasyon sa Taiwan

Tiniyak ng Manila Economic and Cultural Office (MECO) na nananatiling normal ang sitwasyon sa Taiwan.

Sa harap ito ng tensiyon nito sa pagitan ng Taiwan at China.

Ayon kay MECO Chairman Silvestre Bello III, nasa maayos din na kalagayan ang Overseas Filipino Workers (OFWs) sa Taiwan.


Sa kabila nito, tiniyak ni Bello na kanilang mino-monitor ang sitwasyon doon, maging ng kalagayan ng Pinoy workers.

Una nang nagsagawa ang China ng serye ng rocket launch laban sa Taiwan.

Inihayag naman ng Taiwan na pinaghahandaan nila ang posibleng pagsiklab ng tensyon sa pagitan nila at ng China sa 2027.

Facebook Comments