Nirerespeto ni Manila City Mayor Honey Lacuna ang desisyon na suspindihin ang lahat ng aktibidad may kaugnayan sa reclamation projects.
Sa pahayag ni Mayor Lacuna, natanggap nila ang impormasyon mula sa Philippine Reclamation Authority (PRA) kung saan nagpadala ng sulat ang Department of Environment and Natural Resources (DENR) hinggil sa nasabing suspensyon.
Matatandaan na ang Maynila ang isa sa mga nakikinabangan sa naturang proyekto kung saan unang pumayag ang lokal na pamahalaan bilang bahagi ng pagsasa-ayos at pagpapaganda ng lugsod.
Subalit sa simulan nito ay nadismaya ang alkalde dahil hindi nakakarating sa kaniyang tanggapan ang mga hakbang sa naturang proyekto.
Dahil dito, ipinarating ni Lacuna sa PRA ang kanilang hinaing kung saan naging representante ng Manila LGU ang mga opisyal ng City Legal Office at City Treasurer Office.
Napag-alaman na ang Manila Local Government Unit (LGU) ay mayroong 51% stake mula sa tatlong reclamation project na sakop ng kanilang lungsod.