Suspensyon sa AstraZeneca, “premature” ayon sa isang kongresista

Binigyang diin ni Iloilo Rep. Janette Garin na “premature” ang suspensyon ng Food and Drug Administration (FDA) sa suspensyon sa paggamit ng AstraZeneca COVID-19 vaccine.

Kamakailan lamang ay inirekomenda ng FDA ang paggamit ng AstraZeneca para sa mga edad 60 taong gulang pababa dahil sa mga ulat ng blood clotting o pamumuo ng dugo sa mga nabakunahang matatanda sa ibang bansa.

Giit ni Garin, “premature” at iresponsable ang ginawang anunsyo na ito ni FDA Director General Eric Domingo.


Aniya, sa halip na makatulong ang suspensyon sa AstraZeneca ay mas lalo lamang itong nakadagdag sa pagaalangan ng publiko na magpabakuna.

Bukod dito, kinukwestyon rin ni Garin ang paggawad ng FDA ng compassionate special permit (CSP) sa Ivermectin.

“Malinaw ang Administrative Order 2020-0028 na sa pag-issue ng CSP, dapat ang isang gamot ay dumaan na sa Phase I at Phase II clinical trials. Nakasaad dito na ang paggamit ng isang gamot na mayroong CSP ay dapat bahagi ng Phase III A clinical trials sa ibang bansa at kasama ang Pilipinas dito.”

Paliwanag ng kongresista, malinaw sa Administrative Order 2020-0028 sa pagiisyu ng CSP na dapat ang gamot ay dumaan sa Phase I at Phase II clinical trials.

Ang gamot din na bibigyan ng CSP ay dapat nasa bahagi na ng Phase III clinical trials sa ibang bansa kung saan kasama rito ang Pilipinas.

Facebook Comments