MANILA – Isinilbi na ng kamara ang suspensyon na inihain ng Sandiganbayan kina Pangasinan Representative Amado Espino Jr. at Camarines Sur Representative Luis Raymund Villafuerte Jr. simula noong December 15.Ipinaalam ito ni House Speaker Pantaleon Alvarez sa sixth division ng Sandiganbayan sa pamamagitan ng isang liham.Ipinag-utos ng Sandiganbayan ang suspensyon ng dalawang kongresista noong Setyembre, ngunit umapela ang mga ito sa kanilang suspension pero ibinasura ito ng korte noong Nobyembre.Nag-ugat ang suspensyon ni Espino sa pagbibigay nito ng extraction permit sa Alexandra Mining at Xypher Builders noong 2012 bagaman walang rehistrasyon sa Philippine Contractors Accreditation Board, at clearance sa mines and Geosciences Bureau.Samantala, si Villafuerte naman ay nahaharap sa diumano’y maanomalyang procurement ng 20 milyong pisong halaga ng produktong petrolyo nang walang public bidding.
Suspensyon Sa Dalawang Kongresista – Isinilbi Na Ng Kamara
Facebook Comments