Manila, Philippines – Tinawag na “iwas pusoy” ni Atty. Jude Sabio, abogado ni self-confessed member “Davao Death Squad” Edgar Matobato ang naging aksyon ng Pangulong Rodrigo Duterte na pag-withdraw ng gobyerno ng Pilipinas mula sa Rome Statute. Si Sabio ang nag-file ng kaso laban kay Pangulong Duterte sa International Criminal Court (ICC) kaugnay sa umanoy extrajudicial killings sa bansa. Ayon kay Sabio, maituturing na “suspicious” ang naturang hakbang lalo pa at ang Presidente na mismo ang kinasuhan at siya pa ang umaatras sa pinagtibay na tratado noong 2011 ng Senado ng Pilipinas. Lumalabas na para na rin daw “guilty” ang Pangulo sa mga kaso na ibinabato sa kanya. Samantala, inihayag naman si Commission on Human Rights Chairperson Chito Gascon na nagkakamali si Duterte kung iniisip nito na makakawala siya sa jurisdiction ng International Criminal Court sa pamamagitan ng ginawa nitong deklarasyon. Ayon kay Gascon, kung tunay na walang itinatago ang administrasyong Duterte, dapat maging bukas ito at hayaang gumulong ang proseso sa ICC.
SUSPICIOUS | Pag-atras ni Pangulong Duterte sa treaty sa Rome Statute, iwas pusoy!
Facebook Comments