Manila, Philippines – Siyam na buwang pinasususpinde ng Ombudsman si Aurora Governor Gerardo Noveras.
Ito ay dahil sa kasong conduct prejudicial to the best interest of service kaugnay ng pagbibigay ng kontrata sa remnant builders para sa barangay site development project nito noong October 2014.
Ginamit kasi ni Noveras sa nasabing proyekto ang ilang dump truck na pagmamay-ari mismo niya kahit wala ito sa listahang isinumite ng remnant builders.
Pero giit ni Noveras, hindi niya alam na ginamit pala sa proyekto ang dump trucks, bagay na hindi naman pinaniwalaan ng Ombudsman.
Si Noveras ay inireklamo rin ng grave misconduct at grave abuse of authority pero tanging sa conduct prejudicial to the best interest of service nakahanap ang Ombudsman ng basehan para panagutin ang respondent.
Dahil dito, siyam na buwan ding hindi makakatanggap ng suweldo si Noveras.