Pinaglalatag ni Deputy Speaker Loren Legarda ang pamahalaan ng matatag na Pandemic Recovery Programs para sa mga Pilipino sa susunod na taon.
Sa harap ito ng patuloy na pagbaba ng mga kaso ng COVID-19 sa bansa.
Giit ng kongresista, kailangang mailatag na ang mga programa ng gobyerno para sa maayos na healthcare system, edukasyon, paglikha ng trabaho at kabuhayan ng mga naapektuhan ng pandemya.
Tinukoy nito ang pagpapalakas sa budgetary support sa mga pangunahing ahensya ang siyang susi para makamit ang tuluyang pagbangon ng bansa mula sa pandemya.
Base sa Department of Health (DOH) budget sa 2022, naglaan ang gobyerno ng P77.46 billion para sa COVID-19 initiatives at health care programs mula sa kabuuang panukalang pondo na P242 billion.
Samantala, P773.6 billion ang para sa Department of Education (DepEd), P686.1 billion sa Department of Public Works and Highways (DPWH) at P191.4 billion sa Department of Social Welfare and Development (DSWD).