Nanawagan si Senator Christopher “Bong” Go na gawing sustainable ang tourism development sa bansa sa gitna na rin ng isyu ng pagtatayo ng isang resort sa gitna ng Chocolate Hills.
Ayon kay Go, nauunawaan niya na mahalaga ang turismo para mabigyan ng hanapbuhay ang mga kababayan at malaki ang naitutulong nito sa ekonomiya subalit hindi naman dapat nasasakripisyo rito ang pangangalaga sa kalikasan.
Giit ng senador, bigyan ng pagpapahalaga ang kapaligiran at gawing sustainable ang pag-unlad ng turismo sa bansa.
Umapela si Go sa mga negosyante na sundin ang mga batas at regulasyon sa mga tourism areas kapag magtatayo ng negosyo tulad na lamang sa ginawa sa Boracay na ngayon ay masigla na ang turismo habang napapangalagaan din ang kalikasan at kalusugan ng mga residente doon.
Paalala ni Go na para magtuluy-tuloy ang ekonomiya sa turismo ay dapat natitiyak na tumutugon ang lahat sa batas dahil ito lang din ang isa sa mga nagpapasigla sa bansa.