SUSUGPUIN | DOTR – Nakipagtulungan na rin sa mga mall owner laban sa mga kolorum na sasakyan

Manila, Philippines – Nakipagtulungan na rin ang Department of Transportation sa mga may-ari ng mall para tuluyang masugpo ang operasyon ng mga kolorum na sasakyan.

Sa interview ng DZXL 558 kay DOTR Usec. Tim Orbos – aniya, binigyan nila ng dalawang linggo ang mga mall owner para maibigay sa kanila ang listahan ng kanilang mga terminal.

Habang ibibigay naman ng ahensya sa mga may-ari ng mall ang listahan ng mga prangkisa ng sasakyan na pwede lang gumamit sa kanilang mga terminal.


Handa ring magbigay ng proteksyon ang dotr sa mga mall owner sakaling makaranas sila ng pananakot mula sa mga driver ng kolorum na sasakyan.

Samantala… Sa clearing operations ng MMDA kanina, nahatak ang sasakyan ni Cong. Edcel Lagman na may protocol plate number 8 dahil sa illegal parking sa sidewalk ng isang condominium building sa kanto ng Scout Borromeo at EDSA sa Quezon City.

Paliwanag ng anak ng kongresman na si BJ, nagpahatid lang siya sa condo unit pero nakalimutan nang ipauwi ang sasakyan.

Maayos naman niyang isinuko ang sasakyan at nagpa-tiket din siya sa MMDA.

Facebook Comments