Susunod na administrasyon, dapat tutukan ang pagbangon ng ekonomiya habang nagsasalba ng buhay sa gitna ng pandemya

Ayon kay Senator Leila De Lima, hanggang hindi idinedeklara ng World Health Organization(WHO) na kontrolado na ang pandemya ay dapat ituloy ng susunod ng administrasyon ang pagsasagawa ng testing, tracing, pagpigil sa pagkalat ng virus at pagbabakuna.

Pero giit ni De Lima sa susunod na administrasyon, habang inililigtas ang buhay ng mamamayan sa gitna ng pandemya ay dapat din nitong tutukan ang pagpapalakas muli sa ating ekonomiya na matinding naapektuhan ng 2 taon at nagpapatuloy pang COVID-19 pandemic.

Diin ni De Lima, kailangang magtulungan ang ating kasalukuyan at susunod na mga leaders upang mapanatili ang mga negosyo kahit may pandemya.


Paliwanag ni De Lima, maaring payagan ang full operation at near-full capacity ng mga negosyo basta sabayan ito ng permanenteng implementasyon ng mga protocols na pumipigil sa pagkalat ng virus.

Dagdag pa ng Senadora, makakatulong ang mga negosyo para patuloy na magkaroon ng koleksyon ang gobyerno na magpapasigla sa ekonomiya kahit patuloy ang health crisis at paglobo ng utang ng bansa.

Para magkaroon ng seguridad ang ekonomiya ay iminungkahi ni De Lima ang pag-ibayo ng pamumuhunan sa sektor ng edukasyon, pagsantabi sa polisya ng kalupitan at paglabag sa karapatang pantao sa pagpapatupad ng batas.

Suhestyon ni De Lima na paunlarin ang manufacturing sectors na magbibigay ng maraming trabaho kasabay ang paalala na ipagpatuloy ang ayuda para sa mga nangangailangan ng tulong.

Facebook Comments