Susunod na administrasyon, may apat na isyung dapat agarang tutukan ayon sa isang senador

Hinikayat ni Senate Minority Leader Franklin Drilon si President-elect Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., na gamitin ang political will nito sa tinatawag na honeymoon period o unang 100 araw nito sa pwesto para agarang tutukan ang apat na pangunahin at urgent issues sa bansa.

Unang tinukoy ni Drilon ang ating healthcare system na nakita ang kahinaan at kakulangan dahil sa COVID-19 pandemic kaya kailangan ang long term solution para tugunan ang mga problema dito tulad ng kulang na mga ospital, pagpapalakas sa Universal Health Care Program at pagtatalaga ng karapat-dapat na mga opisyal sa Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth).

Ikawala sa binanggit ni Drilon na dapat aksyunan ng Marcos administration ang mahinang estado o kalidad ng edukasyon sa bansa na pinalala pa ng pandemya.


Sabi ni Drilon, kailangan aniyang magkaroon ng Joint Executive Legislative Educational Commission dahil ang solusyon sa problema ay nangangailangan ng aksyon ng ehekutibo at ng lehislatura.

Pangatlo ay sinabi na dapat ding tutukan ng susunod na administrasyon ang pagpapalakas ng ating ekonomiya sa pmamagitan ng pagpili ng mahusay na economic team na may common vision at may kakayanang bumuo ng fiscal policy na magbabangon sa ating ekonomya.

Nanawagan din si Drilon sa susunod na pangulo na ibalik ang kumpiyansa ng publiko sa rule of law at justice sytem na labis na naapektuhan ng mga naganap na pagpatay sa ilalim ng war on drugs ng kasalukuyang administrasyon.

Facebook Comments