Susunod na pangulo at ikalawang pangulo, maipoproklama na bago matapos ang Mayo

236

Inaasahang sa May 27 o May 28 ay maipo-proklama na ang nanalong pangulo at ikalawang pangulo nitong May 9 elections.

Sinabi ito ni Senate President Tito Sotto III matapos ang initialization ng Consolidation and Canvassing System o CCS machine na gagamtin sa pag-canvass ng certificate of canvass mula sa mga lalawigan at lungsod sa buong Pilipinas at mula sa ibang bansa.

Sa May 23, magbabalik ang session ng Senado at Kamara.


Masusundan ito ng pag-convene nila sa National Board of Canvassers na pangungunahan nina SP Sotto at House Speaker Lord Allan Velasco.

Sabi ni Sotto, May 24 ay sisimulan na nila ang canvassing ng boto par sa pangulo at ikalawang pangulo na inaasahang tatagal lang ng 5 hanggang 7 araw.

Facebook Comments