Susunod na PNP chief, kailangang maibalik ang dating reputasyon at imahe ng institusyon ayon kay Central Visayas Police Chief De Leon

Naniniwala si Police Regional Office o PRO -7 Regional Director Brig. Gen Valeriano De Leon na dapat maibalik ang dating reputasyon ng PNP.

 

Kasunod ito ng pumutok na ninja cops controversy o yung mga pulis na sinasabing nagrerecycle g drogang nasasamsam sa ikinakasang anti-illegal drug operations.

 

Ayon kay De Leon sa briefing sa palasyo, hindi mahalaga kung sinuman ang maitalagang bagong hepe ng pambansang pulisya.


 

Mahigit tatlumpong taon na aniya siya sa serbisyo at ang mahalaga ay maibalik ng susunod na PNP chief ang nadungisang imahe ng institusyon.

 

Kasabay nito, binigyang-diin naman ni De Leon na dapat ay makapagtalaga na ng bagong PNP Chief si Pangulong Duterte dahil mayroong limitasyon ang mga maaaring ng OIC o Officer In Charge nito.

 

Mababatid na nagbitiw sa pwesto si dating PNP Chief Police Gen. Oscar Albayalde matapos madawit sa kontrobersiya ng ninja cops nang nakaupo pa siyang Hepe ng Pampanga Police noong 2013.

Facebook Comments