SUV Bumaligtad sa Daan, Anim na Katao Sugatan

154

*Cauayan City, Isabela*- Maswerteng nakaligtas ang anim na katao matapos bumaligtad ang kanilang sinasakyang na SUV sa Brgy. 2, San Mateo, Isabela.

Lumalabas sa imbestigasyon ng PNP San Mateo, overspeeding ang nakikitang dahilan ng pulisya sa nangyaring insidente.


Isa sa mga sugatan ang 20 anyos na estudyante na kinilalang si Chester Huganas na residente ng Brgy. Baluarte, Santiago City at mismong driver ng nasabing sasakyan.

Ayon sa mga saksi sa insidente, mabilis na pinapatakbo ni Huganas ang SUV sa pambansang lansangan ng Aglipay Street na dahilan para mawalan ito ng control sa manibele na aksidente namang nabangga nito ang pader ng Golden Values Kindergarten School.

Nagtamo ng bahagyang sugat ang mga biktima na nagpapagaling sa isang pagamutan.

Facebook Comments