Lalaki, Patay ng matagpuang Nakabitin ang Katawan

*Cauayan City, Isabela*- Natagpuang Patay sa loob ng kanyang bahay ang isang lalaki na pinaniniwalaang nagbigti gamit ang isang plastic rope sa Brgy. Ara, Benito, Soliven, Isabela

Nakilala ang biktima na si Ramon Cabanilla, 40 anyos at residente sa nasabing lugar.

Lumalabas sa imbestigasyon ng PNP Benito Soliven, Nakita na lamang ng mga opisyal ng barangay ang biktima na nakabitin ang leeg nito at agad na ipinagbigay alam sa kaanak ng biktima ang nangyaring insidente.


Gayunman, tumanggi naman ang pamilya ng biktima na isailalim sa medical examination ang kanilang kaanak at naniniwala ang mga ito na walang foul play sa insidente.

Patuloy naman na nakikipag ugnayan ang pulisya sa pamilya ng biktima sa dahilan ng pagpapakamatay nito.

Facebook Comments