SUV, TUMAOB DAHIL UMANO SA MADULAS NA DAAN SA VILLASIS

Tumaob sa gilid ng daan ang isang SUV sakay ang tatlong katao habang binabagtas ang kahabaan ng highway sa Brgy. Unzad, Villasis noong umaga ng Martes, Marso 17.

Ayon sa inilabas na impormasyon, patungo umanong airport ang SUV upang sumundo ng kaanak nang nagpagewang-gewang umano ito dahil sa madulas na bahagi umano ng kalsada.

Ligtas naman ang lahat ng sakay nito ngunit tumaob sa gilid ng daan ang sasakyan dahilan upang agad respondehan ng MDRRMO Villasis na nagsagawa ng clearing operation para hindi magdulot ng abala sa iba pang motorista.

Paalala ng tanggapan ang ibayong pag-iingat upang ligtas na makarating sa paroroonan. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments