Swab result ng ilang laboratory, naantala dahil sa pagtaas ng kaso ng COVID-19

Aminado ang Department of Health (DOH) na nagkakaroon ng pagkaantala sa paglalabas ng resulta ng COVID-19 test.

Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, tumatagal ang paglalabas ng laboratory test result dahil sa biglang pagtaas ng demand at bilang pagtaas ng mga nagkakasakit.

Aniya, ilang health workers na rin sa mga laboratory ang nagkakasakit kaya bumama ang human resources.


Dahil dito, nagkakaroon aniya ng delay sa pagrereport ng mga kaso.

“Talaga po naman na tumatagal ngayon ang paglabas ng mga laboratory test [result] natin dahil doon sa biglang demand for laboratory, dahil ang dami po nagkakasakit. Pangalawa po, iyong mga healthcare workers natin manning our laboratories are getting sick also, so medyo bumaba po ang kapasidad ng ating health human resources sa ating laboratories and that is the reason why nagkakaroon po ng delays ng pag-release ng laboratory test [result]. Ang consequence po na tinatanong kung madi-delay ang ating laboratory test, siyempre nadi-delay po iyong pag-report natin ang mga kaso,” ani Vergeire

Facebook Comments