Swab testing sa mga umuuwing Pilipino sa bansa, dapat balikatin ng gobyerno

Hiniling ni Senator Francis “Kiko” Pangilinan sa pamahalaan na sagutin ang gastos sa COVID-19 swab tests ng mga dumarating pasahero sa bansa lalo na ang mga balikbayan.

Diin ni Pangilinan, gipit na ang mamamayang Pilipino sa ibayong dagat at mabigat para sa kanila ang gastos sa swab test sa kanilang pag-uwi sa bansa.

“Mas mainam na sagutin na ng pamahalaan ang swab test ng lahat ng inbound passengers, lalo na ng ating OFWs, para mabawasan ang kanilang pinansiyal na pasanin,” sabi ni Pangilinan.


May hinala pa si Pangilinan na ang COVID-19 tests ay hindi makatwirang pinagkakakitaan ng mga pribadong testing companies at ng kanilang mga corrupt na kasabwat o backers sa gobyerno.

Dismayado si Pangilinan, kung bakit hinahayaan ng gobyerno na pinagkakakitaan ang proteksyon sa kalusugan ng taumbayan.

Kaugnay nito ay hinikayat ni Pangilinan ang national government na tularan ang Cebu province na nagkakaloob ng libreng swab tests sa mga returning overseas Filipinos.

Facebook Comments