Ilang barangay hall giniba sa Maynila

Patuloy ang mga hakbang ng Manila City Government sa deriktiba ni Pangulong Rodrigo Duterte na linisin ang mga lansangan at sidewalk sa anumang nakaharang o nakakasagabal sa trapiko.

 

Bahagi nito ang paggiba sa mga brgy. hall na nakapwesto sa mga sidewalks na dapat ay daanan ng tao.

 

Kabilang sa mga huling brgy. hall na giniba ng mga tauhan ng Manila Department of Engineering ang public works ay ang barangay hall ng barangay na 676 na nasa bahagi ng Gen Luna street malapit sa kanto ng Apacible street, Paco Maynila.


 

Giniba din ang brgy hall ng brgy 234 sa sidewalk sa bahagi ng Antonio Rivera street malapit sa kanto ng Tayuman street sa Tondo, Maynila.

 

Gayundin ang brgy hall ng brgy 241 na nasa sidewalk din sa bahagi ng Antonio Rivera street malapit sa kanto ng Bambang extension Tondo, Maynila.

Facebook Comments