Isang libro, nasauli sa library sa Massachusetts matapos ang 78 na taon

Massachusetts – Isang lalaki ang nagsauli ng libro sa Attleboro Public Library matapos ang pitumpu’t walong taon.

Nabatid na noong November 21, 1938 eksaktong hiniram ang lirbong “The Young Lady At Home” ni Timothy Shay Arthur na nakita sa basement ng bahay ng lalaki.

Ayon sa Library Deputy Director na si Amy Rhilinger, sa labing limang taon niyang pagtatrabaho sa library ay ito ang unang beses na may nagbalik sa kanila ng librong talaga namang napakatagal nang hiniram.


Aniya, hindi na raw nila ipapahiram muli ang libro dahil hindi na maganda ang kondisyon nito.

Dagdag pa ng library director na kung tutuusin may multa nang halos $2,800 o mahigit 141, 932.00 pesos ang taong humiram ng libro ngunit hindi naman nila alam kung sino ang nanghiram nito.


Facebook Comments