SWEET | Soft side ni Pangulong Duterte, makikita sa isang larawan na lumabas sa social media

Manila, Philippines – Lumabas ngayon sa social media ang larawan ni Pangulong Rodrigo Duterte sa pribadong oras nito sa kanyang tahanan sa Davao City.

Makikita sa nasabing larawan si Pangulong Duterte na naka-kulay puti na t-shirt at niyayakap ang kanyang anak na si Veronica Duterte.

Si ginang Honeylette Avancena ang kumuha ng litrato kagabi sa Davao City.


Si Pangulong Duterte ay kilala sa pagiging matigas at matapang sa paglaban sa iligal na droga, krimenalidad at sa katiwalian pero makikita sa larawan ang soft side ni Pangulong Duterte na isang mapagmahal at mapagkalingang ama at ang panlaban sa stress ay ang batang anak na babae.
Walang official schedule si Pangulong Duterte simula kahapon hanggang sa Lunes pero mayroon na itong official schedule sa Bureau of Customs kung saan sasaksihan nito ang pagsira sa mga nasabat na Luxury Cars.

Facebook Comments