PINAGTRIPAN | Lalaki, nakitang duguan sa Quezon City

Manila, Philippines – Nabahala ang ilang residente matapos makita ang isang lalaki na halos naliligo na sa sariling dugo sa Commonwealth Ave., Quezon City.

Nakilala ang biktima na si Joselito Viran na madalas nakikitang gumagala sa nasabing lugar.

Ayon kay PO1 Wilzar Gile ng QCPD station 6, nakatanggap sila ng tawag mula sa isang concern citizen kaugnay sa lalaking sugatan.


Agad itong pinuntahan ng mga pulis kung saan inabutan nalang nila ang biktima na nakaupo sa gilid ng kalsasa na duguan.

Sa pagtatanong, nabatid na ginulpi umano siya at pinaghahampas ng mga tambay sa Don Antonio.

Ang masakit pa hindi niya alam kung bakit siya sinaktan ng mga tambay.

Facebook Comments