Pinatataasan ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang sweldo ng apat na tripulanteng Pilipino ng cargo vessel na MCS Aries na hinuli ng mga awtoridad ng Iran kamakailan.
Sa Bagong Pilipinas Ngayon, sinabi ni DFA Usec. Eduardo de Vega, na nasa mahirap at delikadong sitwasyon kasi sila ngayon.
Ayon kay De Vega, noong Lunes ay pinayagan ng Iran authorities ang mga Pinoy seafarers na makausap ang kani-kanilang pamilya.
Batay sa pag-uusap aniya ay maayos naman ang kalagayan nila at ang pagtrato sa kanila.
Ginagawa rin ng apat na tripulante nang normal ang kanilang trabaho sa barko habang hawak sila ng Iranian authorities.
Tiniyak naman De Vega na makatatanggap ng tulong pinansiyal, psychosocial support, at iba pang benepisyo ang mga marino at kanilang pamilya sa sandaling makauwi na sila sa Pilipinas.