Sweldo ng mga contractual workers sa Gobyerno, magpapatuloy

Mahigit 660,000 contractual workers sa gobyerno ang patuloy na makakatanggap ng sweldo habang umiiral ang Enhanced Community Quarantine (ECQ) dahil sa COVID-19.

Ayon kay Committee on Labor Chairman Senator Joel Villanueva, base ito sa joint circular na inilabas ng Commission on Audit at Department of Budget and Management.

Itinatakda sa joint circular ang patuloy na pasweldo sa mga nasa Gobyerno kasama ang mga nasa ilalim ng job orders o contract of service.


diin ni villanueva, malaking tulong ito para makaraos ang buhay ng mga nagtatrabaho sa pamahalaan at kanilang pamilya sa harap ng krisis na dulot ng COVID-19.

Tinukoy ni Villanueva, na base sa data mula sa Civil Service Commission (CSC), nasa 2.4 million ang workers sa government at 660,000 sa mga ito ang contractural workers kung saan 360,000 ang nasa Luzon na sakop ng umiiral na ECQ.

Facebook Comments