Sweldo ng mga manggagawang Pilipino sa Saudi Arabia, pararaanin sa pamamagitan ng e-payment system

Nagkasundo ang Pilipinas at Kingdom of Saudi Arabia na magpatupad ng e-payment system sa pagpapasweldo sa mga Pilipinong manggagawa sa naturang bansa.

Ito ang inihayag ni Department of Migrant Workers (DMW) Sec. Susan Toots Ople na layuning maiwasan ang mga kaso ng pang-iipit o delayed na pasweldo.

Ayon kay Ople, sa pamamagitan nito ay mayroon nang hahawakang ebidensya ang mga Pilipinong manggagawa kung sila’y makararanas ng hindi makatuwirang pagtrato mula sa kanilang employer.


Kasunod nito, sinabi rin ni Ople na tutulungan din ng Saudi government ang mga biktima ng human trafficking kasama na iyong mga kinuhanan ng pasaporte para hindi makauwi ng Pilipinas.

Sa pamamagitan aniya ng mga bagong panuntunan, sinabi ni Ople na tiyak na mapoprotektahan na ang karapatan ng mga Pilipino sa Saudi Arabia.

Facebook Comments